Matapos mabigo sa unang pagkatalo, nakapasok sa win column ang Jewelers sa kanilang 1-3 panalo-talo sa tulong nina Orly Torrente at Nurjamjam Alfad na umiskor ng mahahalagang puntos sa huling maiinit na tagpo ng labanan at ang mahusay na depensa ng kanilang mga kasamahan.
Parehong ipinasok nina Alfad at Torrente ang kanilang nakuhang bonus free throws upang ihatid ang Montana sa 75-70, kalamangan, 19.9 segundo na lamang ang nalalabing oras sa labanan.
Matapos makalapit sa 70-71 nang umiskor ng basket si Leo Avenido, hindi na nakapagtala pa ng basket ang Pioneer patungo sa huling 1:26 oras ng labanan kabilang na ang huling attempt ni Richard dela Rosa na sana ay maaaring nakapagsalba sa Ateneo.
Nakakuha pa ng foul si Macapagal sa huling 11.2 segundo ng labanan ngunit parehong mintis ang kanyang free throws gayunpaman ay wala nang kawala pa sa Montana ang tagumpay.
Pinangunahan nina Francis Zamora at Mark Macapagal ang Jewelers sa pagtatala ng tig-13 puntos ngunit ang huli ay humugot ng 14-rebounds. Si Gary David naman at Alfad ay may 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.