Nakatakda ang paghaharap ng Eagles at Lakers sa unang laro dakong alas-3 ng hapon.
Tinalo ng Lakers ang Eagles, 142-107 noong Sept. 30 na siyang ginawang sandigan ng Laguna upang mapa-solido ang kanilang hawak sa ikalawang puwesto sa Northern Conference sanhi ng 9-3 karta sa likod ng lider na Batangas na may 11-1.
Sa ikalawang laro, hangad naman ng Negros na maipinta ang kanilang ika-siyam na panalo sa kanilang pakikipaglaban sa Nueva Ecija sa alas-5:30 ng hapon.