At sa round robin format, pinayukod ni Reyes, kilala sa buong mundo sa taguring "The Magician" ang ngayong taong World Pool Champion Mika Immonen ng Finland, 8-6 at ang dating US Open at world champion Johnny Archer, 8-7 ang Amerikanong si Tony Frank, 8-5 at ang kababayang si Francisco Django Bustamante, 8-5 upang maka-entra sa finals.
Ang three-time world 8-ball champion ay bumalik ng Manila mula sa Los Angeles kung saan nakipaglaban ito sa tinaguriang "The Black Widow" na si Jeanette Lee sa Billiard Challenge noong isang linggo at nagwagi ito sa iskor na 13-5.
Ipinakita rin ni Reyes na siya pa rin ang pinakamahusay na cue artist sa mundo nang kanyang gapiin ang five-time US Open champion Earl "The Pearl Strickland, 13-9 sa finals ng 1st US Masters 9-Ball Championship.
At dahil sa kahilingan ng karamihan, kasalukuyan ng tinatrabaho nina Viva Vintage Sports president Vic del Rosario at Aristeo "Putch" Puyat ng Puyat Sports ang ilang major international tournament sa darating na Disyembre na magtatampok kina Immonen, European champion Ralf Souquet, Americans Cory Duel at Strickland at Filipino champions Reyes at Busta-mante.
Nakatakdang sumabak sina Reyes at Bustamante sa International 9-Ball Open sa Tokyo sa tournament na lalahukan rin nina Immonen, Souquet, Strickland at American sensation Cory Duel. Ang top two Filipino cue artist ay lilipad naman patungong Poland kung saan sila ay ilan lamang sa napiling inimbitahan na sumali sa World Pool League at matapos ito, sila ay magbabalik sa Japan para sa All Japan Championship.