Sinabi ng humahawak sa 22-anyos na Filipino champion na si Pacquiao ay nasa "superb condition and looking better than ever."
Makakaharap ng natatanging Filipino world champion sa kasalukuyan na si Pacquiao ang WBO champion Agapito Sanchez ng Dominican Republic sa unification title fight sa Billy Graham Civic Center sa San Francisco sa Linggo, Manila Time.
Ipalalabas ng Viva Vintage Sports ang nasabing title fight gayundin ang main event na magtatampok sa WBC super featherweight champion Floyd "Pretty Boy" Mayweather kontra sa No. 1 contender Jesus Chavez via satellite sa alas-12 ng tanghali sa RPN 9.
Sinabi ni Frank Nazario, kamag-anak ng business manager ni Pacquiao na si Rod Nazario sa isang overseas telephone conversation sa Viva Vintage Sports na ang hard-hitting southpaw ay makikipag-sparr sa mga mahuhusay na fighters na kinabibilangan ng Mexican fighter na may 18-0 record at isang malakas na Armenian na may malaking katawan gaya ni Sanchez at isa ring fighters na gaya niya.
Nakatakdang dumating si Roach sa San Francisco sa gabi ng title fight at siya ay nasi-iyahan sa attitude ni Manny sa kanyang gym at mabilis itong natuto.
Sinabi ni Pacquiao na bumili ng suit kung saan siya ay naanyayahan na maging panauhin sa awarding ceremonies sa Los Angeles kung saan ang undisputed world middleweight champion Bernard "The Executioner" Hopkins ay tatanggap ng Fighter of the Year award mula sa World Boxing Hall of Fame na plano niyang isuot ang nasabing suit sa kanyang pagbabalik sa Manila.
Napili ang kontrobersiyal referee na si Marty Denkin na siyang humawak ng Pacquiao-Sanchez title fight, habang ang mga judges ay sina Marshall Walker, Raul Caiz at Ricardo Bays.
Si Denkin ang siyang referee na nagbawas sa puntos ni Gerry Peñalosa sa kanyang re-match sa kampeon noong si In Joo Cho ng South Korea sa Seoul noong Enero 2 ng nakaraang taon, nang si Cho ay natumba bunga ng di magandang bahagi ng canvass malapit sa corner ng Pinoy pug.