Tutudlain ng Energy Kings ang kanilang unang panalo kontra sa sister-team Blu Detergent sa main game dakong alas-5:30 ng hapon, habang nais naman ng Jewelers na maging matagumpay ang kanilang debut game kontra sa Kutitap Toothpaste sa alas-3:30 ng hapon.
Mahigpit na paborito ang Shark na mapipitas nila ang inaasam na panalo kung titingnan ang kanilang intact na lineup na babanderahan sigurado ng MVP na si Chester Tolomia katulong sina Gilbert Malabanan, Rysal Castro, Warren Ybañez at Michael Robinson.
Ngunit hindi pa rin kumpiyansa si coach Leo Austria dahil ng huli silang magharap ng Detergent naging mahirap para sa kanila ang makatawid ng Finals kung saan nasayang ang kanilang twice-to-beat advantage matapos na matalo sa Game-One, 34-58 na siyang pinaka-lowest score sa kasaysayan ng PBL.
"Fresh pa kasi sa memory naman yung semifinals. Kaya hindi rin talaga basta-bastang kalaban ang Blu Detergent, and we should take all the precautions against them," ani Austria.
"Isa pa, they usually play physical kapag kami na ang kalaban. Hopefully, hindi ma-distract ang mga bata and they will just stay focused on the game," dagdag pa niya.
Para naman sa bagong coach ng Montana na si Turo Valenzona, magandang pagsubok ang kanilang pakikipagharap sa Kutitap para sa kanyang mga bataan.
"This game will be a big test how the new guys blend with the veterans and what other aspects we need to improve on. Well give it our best shot," ani naman ni Valenzona na siyang gumiya sa makasay-sayang five-peat feat sa NCAA.