Kasabay nito, sinabi ni Commissioner Amparo Weena Lim ng Philippine Sports Commission (PSC) na kumpiyansa ito sa pagtatanghal ng naturang event na magkasamang iho-host ng Bacolod City at Negros Occidental.
"We foresee another successful edition of the PNYG-BP because of the enthusiasm the various local government or local sports councils (LSCs) have shown over the PSCs grassroots development program," pahayag ni Lim, ang project director.
Tatlong Northern Luzon LSCs, isa mula sa Visayas ang mga nauna nang nagpalista para sa event. Unang-una ang Baguio City na nagpadala ng kanilang entries na binubuo ng 44 atleta at anim na coaches.
Isinumite na rin ng Pangasinan ang mga pangalan ng kanilang 83 lahok gayundin ang Kalinga na may 8 atleta at 9 opisyal at Northern Zamar na may 44 atleta at 22 opisyal.
Kinukunsidera ang (PNYG-BP) bilang isa na centerpiece ng grassroots development program ng PSC.
Magkakaroon ng kompetisyon sa kabataang 12-gulang at pababa sa athletics, badminton, boxing, chess, dancesport, football, gymnastics, karatedo, lawn tennis, little league baseball at softball, swimming, table tennis, taekwondo at volleyball.
Samantala, malaki ang magiging pakinabang ng Philippine Sports sa memorandum of understandings sa China na nilagdaan ni PSC Chairman Butch Tuason sa harap ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at President Jiang Zermin ng China sa Beijing.
Makakatulong sa pagsasanay ng mga atleta para sa susunod na SEA Games at Asian Games gayundin sa teknikal na aspeto para sa venues na gagamitin sa paghohost ng bansa ng 2005 SEA Games ang naturang MOU.