Plinano ang "Brawl at the Wall" fight sa pagitan ng American fighters para sa World Boxing Association (WBA) belt ni Ruiz sa Beijing sa darating na Nov. 24 ng Great Wall Sports Media Company.
Ngunit hindi nai-deliver ng Chinese partners ng promoter na si Don King ang letter of credit na ilang milyong dollar sa account ni King noong nakaraang Biyernes, na nagresulta na hindi na matutuloy ang ikatlong paghaharap nina ruiz at Holyfield, ayon sa Globe.
At dahil wala na sa usapin ang Chinese, iniulat na sinisikap ni King na muling mare-schedule ang nasabing laban para sa December 15 kung saan pumayag ang cable television HBO na siyang magbayad ng $5 million upang maipalabas ito ng live.
Hinihiling ni King kina Ruiz at Holyfield na ibaba ang kani-kanilang purse fees, ngunit ang dalawa ay kapwa tumanggi kung kayat posibleng walang laban na magaganap kung hindi tatanggapin ng dalawang fighters ang kahilingan ni King.
"Dont wants the fighters to take a curt so he can make a bigger profit, and this time theyre not going to do it," ani ng adviser ng isa sa mga fighrers.
Si King ay nasa Las Vegas noong Martes kung saan tinangka niyang kausapin ang manager ni Ruiz na si Norman Stone upang tanggapin ang kanyang alok, pero tumanggi rin ang kampo ng WBA champion.