PBL players aapela sa UAAP officials

Magkakaisa ngayong hapon ang mga PBL players para sa gagawing apela kontra sa alintuntunin ng UAAP na nagbabawal sa kanilang makapaglaro sa Philippine Basketball League. At ayon pa sa kanila, kailangang ikunsidera ng UAAP officials ang pakinabang ng mga manlalaro sa kabila ng legal technicalities sa desisyon ng Games and Amusement Board (GAB).

Ang nasabing mga manlalaro ay magkikita-kita at magkakaisang pipirma ng manifesto ngayong alas-2 ng hapon sa Makati Coliseum, na humihiling sa UAAP at maging sa NCAA na suriing mabuti kung anong benepisyo ang nakukuha ng collegiate leagues kung sakaling sila ay payagan na lumaro sa PBL.

Karamihan dito ay dismayado sa kamakailan lang na pagpapatupad ng nasabing alituntunin kung saan ang mga UAAP at NCAA players ang siyang apektado ng husto ng nasabing batas.

Isa sa mga manlalaro ang nagpahayag na ito ay labag sa kanilang karapatang pantao.

"We just want to be heard. They (UAAP and NCAA) should be looking after our welfare but we were not consulted regarding the policy as if we don’t have the right to question or express our sentiments on the issue," ani ng isang manlalaro.

Nagpahayag din ng sentimiyento ang mga produkto ng PBL na ngayon ay kasalukuyang naglalaro na sa professional leagues upang suportahan ang kanilang apela.

Isa na rito si Don Allado, one-time MVP ng PBL na ngayon ay naglalaro na sa Alaska na nagbigay ng kanyang pahayag na ang kanyang paglalaro sa PBL ang siyang nakatulong ng malaki upang mag-improve ang kanyang talento.

"The PBL is really a big help. College players get to be discovered and develop their skills and awareness of their games. And basically the experience playing in the PBL got their skills to the next level. UAAP players who played in the PBL are typically much better than those who have not," ani Allado.

"Besides, the PBL also gives the players the opportunity to earn a little while studying, especially for other players who are not as fortunate in life. It’s a big help."

Show comments