Kinumpleto ni Juan Martin Elorde, apo ng yumaong Great Flash Elorde ang unang hakbang upang masundan ang yapak ng dating world champion nang kanyang igupo si Rey Allan Naquilla ng Bukidnon sa pamamagitan ng puntos sa kanilang light welterweight championship sa juniors division ng three-in-one tournament.
Nagpamalas si Elorde, mag-aaral mula sa La Salle-Alabang at magdi-riwang ng kanyang ika-17 taong kaarawan ngayon buwan ng impresibong performance na gaya ng kanyang lolo nang kanyang patuloy na bugbugin ang tubong Bukidnon na kalaban sa apat na round patungo sa kanyang 28-26 panalo.
Ang panalo ni Elorde ay nagmistulang anino ng mahusay na tagumpay naman ni Larry Semillano na maituturing na bagong bayani ng Navy.
Naglabas si Semillano ng kakaibang tikas sa ibabaw ng ring nang kanyang gapiin ang Olympian at top favorite na si Romeo Brin ng Army, 24-19 sa kanilang welterweight class.
Ang panalo ni Semillano ay dumating matapos na magpamalas ng kani-kanilang tikas sa ibabaw ng lona ang pitong iba pang boxers ng Navy upang igiya ang Navy-men sa pagsungkit ng overall crown.
Sinimulan ni Juanito Magliquian ang kampanya ng Navy sa pamama-gitan ng 31-14 panalo kontra Edmon Doronilla ng South Cotabato matapos na itala nina bantamweight Ferdie Gamo, featherweight Roel Laguna, light welterweight Salvador Tizon, light middleweight Junie Tizon, middleweight Reynaldo Galido at heavyweight Rolando Escobar ang panalo ng sailors.
Tanging konsuwelo ng natanggalan ng koronang Philippine Army ay ang pagkopo ng tatlong ginto para sa ikalawang puwesto, habang nakuntento lang ang Philippine Air Force sa isang ginto sa 12 weight division seniors contest ng tournament na ito.
Ang nagdala ng panalo sa Army ay sina light flyweight Harry Tañamor, flyweight Violito Payla at light heavyweight Marson Golez.
Napagwagian ng beteranong internationalist Joel Barriga ang lightweight gold medal para sa Air Force.
Ang iba pang nanalo ng gold medal kasama ni Elorde sa juniors ay sina powderweight Jason Tanallon ng North Cotabato, light mosquitoweight Rocky Fuentes ng Cebu, mosquitoweight Rey-naldo Caiton ng Mandaue City, light vacuum Ruben Minoza ng Cebu, va-cuumweight Alex John Banal ng Cebu, light paperweight Jesus Saa-vedra ng Mandaue, junior paperweight Jerson Jun-tillano ng North Cotabato, pinweight Nicolas Banal ng Cebu, light flyweight Godfray Castro ng Cadiz City, flyweight Gerald Nietes ng Cebu, bantamweight Gambert Besache ng Cebu, featherweight Jomar Tamayo ng Dagu-pan City at lightweight Augusto Caesar Amonsot ng Cebu.
At sa distaff side, nag-wagi naman ng ginto sina pinweight Alice Kate Aparri at light flyweight Librada Tamson ng Baguio City, flyweight Annalyza Cruz ng Navy, bantamweight Jouveliet Chilem ng Baguio, featherweight Resie Villarito ng Navy, lightweight Mitchelle Martinez ng PNP at light welterweight Angie Bautista ng Navy.