Tumapos ang Philippine team ng ika-7th puwesto sa ladies squad, habang pang-No. 8 naman ang kinana ng RP mens squad sa biennial three-day, three-event (team, doubles at singles) tournament.
Binanderahan nina veteran internationalists Joseph Domanais, Enrico Mijares, Celso Parfan II at outstanding newcomer Dr. Wilbert Cuevas ang mens squad na nanaig sa iba pang ASPAC countries at maging ang mga paborito mula sa Australia, New Zealand, Scotland, Canada, Germany at Ireland bago bumagsak sa eventual champion England sa final eight.