May kabuuang 56 aspiranteng rookies ang umabot sa deadline noong Martes upang mabigyan ng preview ang mga coaches matapos na dumalo sa Rookie Camp simula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
At ngayong alas-2 ng hapon, batid na ng mga PBl teams at coaches kung sinu-sino ang mga pangalan na kanilang mapipili sa Rookie Draft.
Unang pipili ang Ateneo Pioneer, na nag-ala ng masamang record na 2-10 sa nakaraang kumperensiya kung saan huhugot ito ng unang dalawa sa first round.
Susunod ang La Salle, Montana at Hapee Toothpaste sa Ateneo sa drafting order.
Ikalima namang pipili ang Blu detergent na tumapos ng ikaapat sa 2001 PBl Chairmans Cup na susundan ng Ana Freezers.
Pang-pito naman ang defending Challenge Cup champion Shark Energy Drink at huli ang Welcoat Paints.
Base sa survey, lahat ng mata ng PBL coaches ay naka-pokus sa limang Fil-Americans--sina Clark Moore, Miguel Noble, Billy Mamaril, Clarence Cole at Arnold Arrieta maging sa mga marquee players mula sa UAAP at NCAA.
Dahil sa kanyang ipinakitang impresibong performance sa NCAA, inaasahang ang 67 na si Moore mula sa San Sebastian ang siyang magiging top pick.
Isang mahusay na defensive player naman ang 65 graduate ng Utica College sa Amerika na si Noble na isa ring mahusay na perimeter shooter, habang ang 66 na si Mamaril, anak ng PBA great na si Romulo Mamaril ay isa ring mahusay na shooter.
Isang mahusay na transition player naman ang 65 na si Cole, nagtapos sa Cypress College, habang ang 59 ace pointguard mula sa Marquette University na si Arrieta ay may mataas na percentage sa three-point shooting.
Kabilang sa mga marquee players na inaasahang mada-drafted ay sina 64 forward Dwight Chavez, 65 slotman Jose de Guzman, Raymond Fabia, 63 Cesar Catli at point guard Vincent Conlu ng FEU, James Yap, Dean Paulo Hubalde, Arnold Booker, Dennis Concepcion, Adrian Ronquillo at Jhayson Alminario ng University of the East Warriors, Abraham Santos, 65 Ryan Soriano ng UP, Chico Manabat, ng National University, Heremias Sison ng UST at ang 65 sentro ng Adamson U na si Edilberto Mangulabnan.
Kabilang naman sa puwedeng mapili mula sa NCAA ay sina John Dale Valena, Victor Lazaro at defensive player Nathaniel Gregorio ng Jose Rizal University, Loreto Soriano, Fervin Dianzen, Gino Marquez ng Philippine Christian University, Alvin Vinoya ng San Sebastian at Ismael Junio ng Letran.
Gayunman, interesado rin ang mga coaches sa mga hindi kilala ngunit may magandang credentials gaya nina Kim Macaraig, isang 64 mula sa Cagayan de Oro, Ronaldo Ruiz ng Angeles University Foundation, Ricky Ricafuente ng Technical Institute of Technology, 64 Rodel Mallari ng Boysens, Leo Balayon at Marlon Bauzon at Josel Solis ng Ateneo de Davao.