At sa wakas matapos ang limang sunod na pagkatalo ay nakapasok na rin sa win column ang Aces na ngayon ay katabla na ang biktimang Rhummasters sa 1-5 win-loss slate.
Kinumplimentuhan ni Riley, pumalit kay Dexter Boney, ang mga clutch plays nina Ali Peek at Ritchie Ticzon sa pamama-gitan ng kanyang mahusay na depensa.
Nakawala sa Alaska ang 5-puntos na pangunguna sa regulation nang humataw si Tanduay import Billy Thomas na sinuportahan ni Eric Menk na nagbalik aksiyon matapos mawala sa huling apat na laro ng Rhummasters upang itabla ang score sa 85-all sanhi ng extra five-minute.
Umiskor ng dalawang free-throws si Peek upang ilagay ang Aces sa 95-92 pangunguna, 12-segundo na lamang ang nalalabi sa ovetime.
May tsansa ang Rhummasters na ihirit ang ikalawang overtime ngunit pinuwersa ni Riley si Thomas sa isang jump-ball matapos ang isang inbound pass.
Natapik ni Riley ang bola kay Ritchie Ticzon na agad na-foul ni Dondon Hontiveros para sa ka-yang split shot na nagselyo ng final score.
"Here we are with five straight losses and were looking for our first win against a Tanduay team that has suddenly become complete," ani Alaska coach Tim Cone.