Ito ang layunin ngayon ng Talk N Text Phone Pals sa kanilang nakatakdang laro ngayon sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBA season-ending Go-vernors Cup sa Araneta Coliseum.
Makakasagupa ngayon ng Talk N Text ang Pop Cola Panthers sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:05 ng hapon.
Nalasap ng Phone Pals ang kanilang kauna-unahang pagkatalo kontra sa Red Bull Thunder sa unang out-of-town Game ng PBA sa Dumaguete City noong Sabado, 85-99 na pumutol sa kanilang four game winning streak.
Mataas naman ang morale ng Panthers na sasabak sa Talk N Text bunga ng kanilang three-game winning streak.
Dahil dito, inaasahang ibayong laro ang ipapamalas ni import Brandon Williams katulong sina Paul Asi Taulava, Jhe-ome Ejercito, Don Camaso, Jerry Codiñera at iba pa.
Pambato naman ng Pop Cola si import Rossel Ellis na susuportahan naman nina Nelson Asaytono, Estong Ballesteros, Johnny Abarrientos at Poch Juinio.
Susundan naman ito ng sagupaan ng Batang Red Bull at Purefoods TJ Hotdogs sa ikalawang laro sa dakong alas-7:10 ng gabi.
Sa kasalukuyan, nasa ikalawang puwesto ang Phone Pals taglay ang 4-1 win-loss slate sa likod ng solo lider na walang laro ngayong Sta. Lucia Realty na may malinis na 5-0 record.
Ang Panthers naman ay may 3-2 karta katabla ang walang larong Barangay Ginebra habang ang Red Bull naman ay may 2-2 record gaya ng pahinga ngayong Shell Velocity.
Pangungunahan naman ni import Derrick Brown ang Purefoods na may 2-2 panalo-talo na tatapatan naman ni Ray Tutt ng Thunder na inspirado sa kanilang huling tagumpay.