Chariot pinataob ng ML Kwarta Padala

CEBU CITY--Nagpamalas ang ML Kwarta Padala ng eksplosibong opensa sa three-points range upang itala ang 95-73 panalo kontra sa Chariot/Skygo Metro Cabs upang ilapit ang kanilang katayuan sa pagkuha ng korona sa 1st CBL Court Battle sa Cebu Coliseum kagabi.

Bumandera sina James Laygo at Jun Canoneo sa kanilang tinapos na tig-24 puntos kung saan nagsalpak ang Cash Forwarders ng 13 triples kontra sa tatlo lamang ng Turbo Men at makauna sa kanilang best-of-three championship series.

Ipinadama naman ng Osaka Iridology ang kanilang supremidad kontra sa M. Lhuillier nang kanilang itakas ang 79-77 panalo para sa kanilang sariling best-of-three series para sa konsolasyong ikatlong puwesto.

Show comments