Umangat ang Shell sa 2-2 panalo na naging dahilan ng kanilang pakiki-pagtabla sa defending champion San Miguel Beer, Barangay Ginebra at Pop Cola Panthers na kasalukuyang nakikipaglaban sa Tanduay Rhum habang sinusulat ang artikulong ito.
Nawalang saysay ang eksplosibong laro ni Noy Castillo na humakot ng 17 puntos sa kanyang kabuuang 31 puntos sa ika-apat na quarter upang bigyan ng pag-asa ang TJ Hotdogs sa tagumpay.
Matapos ilapit ni Castillo ang Purefoods sa 94-95 sa pamamagitan ng kanyang dalawang free throws mula sa foul ni Dale Singson, 31 segundo ang nalalabing oras sa laro, may malaking tsansa ang TJ Hotdogs na makaiwas sa kanilang nalasap na ikatlong talo sa limang laro.
Nabigong maka-iskor ang Turbo Chargers sa kanilang sumunod na po-sesyon nang magmintis ang tangkang tres ni rookie Mike Hrabak na nagbigay ng pagkakataon sa Purefoods na agawin ang tagumpay.
Nakuha ni import Derrick Brown ang rebound na kanyang ipinasa kay Castillo na ibinigay naman ang bola kay Rey Evangelista na nabigong ikonekta ang isang fast break dahil na rin sa mahusay na depensa ni Jun Marzan.
Pinangunahan ni import Askia Jones ang Shell sa kanyang hinakot na 38 puntos na sinegundahan naman ni Tony dela Cruz ng 16 puntos at 11 puntos mula kay Dale Singson.