Ang Davao Eagles ay makikipaglaban makaraang ang isang buwang di pag-lalaro sanhi ng katatapos na 21st Southeast Asian Games at pagbabago ng schedules.
At mahabang break na ito ng Eagles ang naging sapat din upang makuha ang suporta ng The Professional Group at magpalakas ng kanilang team.
Kinuha mula sa direct trades sa Laguna Lakers sina Genesis Sasuman at Randy Lopez, at kinuha din ang serbisyo nina Gabriel Maloloyon at Bambino Santander.