Humakot ang sentro ng Blue Eagles ng players average value (PAV) na 19.40, habang mahigput niyang karibal ang teammate na si Richard Alvarez, ang nakaraang taong MVP na may 18.50.
Binigyan si Villanueva ng one-game suspension s kalagitnaan ng second round matapos na makipagsuntukan kay Steven Roland ng Adamson U sa third canto ng kanilang laban noong Aug. 30 kung saan nanalo ang Ateneo, 63-61.
Si Villanueva ay sinuspindi rin ng nakaraang taon dahilan upang madiskuwalipika para sa karera ng MVP.
Nasa 3rd at 4th place naman sina Leo Avenido at Rysal Castro ng FEU na may 18.35 at 15.90, ayon sa pagkakasunod.
Nasa ikalimang puwesto ang Dela Salle University na si Ren-Ren Ritualo na may 15.55.