Pia Adelle Reyes, balak ng magretiro?

KUALA LUMPUR -- Matapos mabigong duplikahin ang kanyang tagumpay sa nakaraang 1997 Jakarta Southeast Asian Games, plano na ni gymnast Pia Adella Reyes na magretiro at mag-concentrate sa pag-aaral.

"Depende, medyo fifty-fifty," wika ng 17-gu-ang na si Reyes na sumikat noong nakaraang apat na taon matapos kumopo ng tatlong gold medals matapos manalo sa balance beam at all-around event bukod pa sa kanyang ambag sa team event.

Naka-silver lamang si Reyes sa balance beam at bronze medal sa floor exercise bilang ambag sa 2-silvers at 3-bronzes ng RP gymnasts.

Show comments