Dinomina ni Lerio ang kanyang laban kontra kay Aung Tun Lin ng Myan-mar, 22-12 upang isiguro ang silver medal at magkaroon ng tsansang mai-ukit ang gintong medalya.
Hindi naman ito natularan nina Larry Semillano, Reynaldo Galido at Maximo Tabangcora na nakuntento na lamang sa kanilang bronze medal na pagtatapos makaraang mabigo sa kani-kanilang kalaban.
Unang nakatikim ng hindi magandang araw si Semillano nang pabagsakin ito ni Adnan Yusoh ng Malaysia 7-6 sa lightweight division.
Pagkatapos ng tagumpay ni Lerio, hindi na ito nasundan nang lumuhod naman sina Galido at Tabangcora sa dalawang bigating Thailander.
Yumuko ang olympian na si Galido sa kamay ni Manon Boojumnong 14-9 habang pinabagsak ng defending champion na si Somchai Chimlum si Ta-bangcora 21-4.
Tatlong boksingerong Pinoy ang magtatangka ding umabot sa finals sa kanilang mga laban ngayon.
Makakalaban ni Ramil Zambales si Tanovahn Nilonde ng Laos, makiki-pagpalitan naman ng kamao si Romeo Brin kay Pongsak Hrianthunthong ng Thailand at si Violito Payla naman kontra sa isa pang Thai na si Somjit Jongjohor.