Pinana ni Purita Joy Marino ang gold medal sa womens individual habang pinalo naman ni Juvic Pagunsan ang gold sa mens individual golf na nagbigay ng konting pag-asa sa tinutumbok na fourth overall finish.
Tinalo ng 30 anyos na si Marino para sa gold ang pambato ng host Malaysia na si Lim Geok Pong at Rusena Gelanteh ng Indonesia na nag-uwi ng silver at bronze medal ayon sa pagkakasunod.
"Masaya ako at nanalo," tila hindi makapaniwalang pahayag ng tubong-Dumaguete na archer.
Pumalo naman ng 279 ang 21 anyos na Canlubang Open champion na si Pagunsan para dakmain ang gold.
Malungkot naman na nagdiwang si rower Benjie Tolentino nang silver la-mang ang maisagwan nito sa mens Single Skull event sa bilis na 00:07:30.17 at maging ang mens Coxless Pair ay dumukot din ng silver sa araw na ito.
Hindi rin maganda ang araw para sa mga boksingero nang isa lamang sa apat na Pinoy ang nakalusot sa semifinal match ng boxing event.
Umusad sa finals si Arlan Lerio na nakasiguro ng silver makaraang pataubin si Aung Tun Lin ng Myanmar 22-12.
Nakuntento na lamang sa bronze medal sina Larry Semillano, Maximo Tabangcora at Reynaldo Galido nang matalo ang mga ito sa kani-kanilang laban.
Yumuko si Galido kay Manon Boojumnong ng Thailand sa iskor na 14-9 at bumagsak din sa kamay ng isa pang Thai boxer si Tabangcora makaraang daigin ito ng defending champion na si Somchai Chimlum.
Bagamat kung pagbabasehan ang trend para sa bansa, tila malayong maabot ang tinatarget nilang 40 golds.
" We still have several sports to go like athletics, archery, bowling, cycling, golf, judo ang pencak silat where we feel we have strong chances for gold, so finishing fourth overall is still possible," kumpiyansang pahayag ni POC president Celso Dayrit.
" I believe were still on track (of finishing fourth overall). The bronze me-dal criteria we set back in Manila is now helping us because at least we know that our athletes are competitive." segunda naman ng chef de mission na si Freddie Jalasco.
Maaring magbigay ng katotohanan ang mga mithiing ito dahil malakas ang loob na nag-predict ng 7 golds si PATAFA chief Go Teng Kok.
Kasalukuyang nilalaro pa ang ilang events sa athletics habang sinusulat ang balitang ito.