21st SEA Games live sa NBN

Sisimulan ngayon ang ‘live telecast’ ng exclusive coverage ng National Broadcasting Network (NBN) ng 21st Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur Malaysia sa pagpapalabas ng opening ceremonies na magsisimula sa alas-5:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi sa NBN (Channel 4) at magkakaroon ng replay bukas sa alas-2:00 ng hapon.

Ipapalabas ng NBN ang mga aktuwal na kompetisyon bukas sa billiard at taekwondo competitons kung saan kinokonsiderang malakas ang Philippines.

Ang Philippine team para sa Billiards and Snookers competition ay kinabibilangan nina Efren ‘Bata’ Reyes, Warren Kiamco, Antonio Lining, Lee Van Cortez, Reynaldo Grandea, Benjamin Guevarra, Marlon Manalo, James Al Ortega, Venancio Tanio at Felipe Tauro.

Nakalista naman sa taekwondo team sina Roberto Cruz, Donald Geisler, Jefferthom Go, Thsomlee Go, Dax Alberto Morie, Mark Anthony Rivero, Dindo Simpao at Manuel Rivero Jr. para sa male division: Margarita Bonifacio, Daleen Cordero, Eva Marie Ditan, Veronica Domingo, Sally Solis, Jasmin Strachan, Kalinda Tamayo at Ma. Nelia Sy-Deasa sa kababaihan

Masasaksihan din ang aksiyon sa women’s basketball, boxing, volleyball, gymnastics, swimming at cycling, men’s basketball, partikular ang Philippines-Indonesia game, na nakatakda sa Lunes.

Tampok sa NBN SEA Games coverage ang mga performance ng Filipino gold medal winners lalo na sa mga sport na kakaunti ng exposure tulad ng taekwondo, wushu, bowling at judo.

May 90 oras na schedule bukod pa ang replays para sa Games para sa 10-araw na kompetisyon. Ang palabas ay magsisimula sa alas-10 ng umaga at matatapos sa alas-12 ng hatinggabi.

Iaanunsiyo ang schedule of sports sa umpisa ng telecast.

Ang 30-man strong NBN coverage team ay pangungunahan ng mga veteran sportscaster na sina Florencio Perez, Ed Picson, Chino Trinidad, Ron delos Reyes at Recah Trinidad kasama sina Anthony Suntay, Chiqui-Roa-Puno, Pia Arcangel at North Cotobato Gov. Manny Piñol.

Show comments