Ang inaugural rites ng 21st edition ng biennial meet na ito ay dadaluhan nina Malysian Prime Minister Mahatir Mohamad at iba pang pangunahing opisyal ng Malaysia at royal dignataries sa pangunguna ni Sultan Salahuddin Abdul Aziz Shah, ang kasalukuyang hari ng naturang bansa na siyang magdedeklara ng pormal na pagbubukas ng Games.
Pangungunahan nina Rower at Sydney Olympics veteran Benjie Tolentino ang Philippine delegation na siyang magdadala ng bandila ng Philippines kasama si Godofredo Jalasco, ang chef de mission.
Sasama din sa parada ng mga atleta sina First Gentleman Miguel Arroyo at ang kanyang anak na si Pampanga Vice Governor Mikey Arroyo gayundin sina Philippine Sports Commission Chairman Carlos Tuason, Commissioners Amparo Lim, Cynthia Carrion at Ricardo Garcia at Bacolod congressman at dating PSC commissioner na si Monico Puentevella.
Ang mga atletang Pinoy na ikaanim na bansang magmamartsa pagkatapos ng Brunei, Cambodia, Laos, Indonesia at Myanmar ay magsusuot ng kulay asul na barong.
At sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon ng sabay-sabay na opening ceremonies sa Kuala Lumpr, Johor Bahru at Penang.
Sina dating world wushu champion Mark Rosales at taekwondo jin at Sydney Olympian Roberto Cruz na parehong SEA Games medalists, ang magdadala ng bandila sa Johor at Penang ayon sa pagkakasunod.
Ang Malaysia ay naghahangad makakuha ng 80-golds habang ang kanilang karibal na defending overall champion na Thailand ay naiulat na tangkang umani ng 90-golds.
Sa kabuuang 356 atletang sasabak sa aksiyon, hangad ng Philippines na mahigitan ang nakakadismayang fifth place finish sa Brunei kung saan nais nilang doblehin ang nakaraang 20-gold medal output.
May kabuuang 391 gold medals sa 32 sports diciplines ang paglalabanan kung saan ang 46 nito ay magmumula sa athletics, 43 sa swimming at 36 sa shooting.