Malalaking cash prizes ang nakatakdang mapanalunan sa tournament proper pati na sa Best Dressed Jeepney side event maliban pa sa ibat ibang Shell product gaya ng Shell Rimula J Oil, Shell Super brake fluid at t-shirt.
Inilulunsad sa pakikipagtulungan ni City mayor Daisy Plaza, City councillors, Shell dealers/distributors, nina Shell transport sector manager Ernesto Lopez at account executive Bong Bonilla, ang Butuan leg ay suportado ng Shell Rimula J, Fuji Film, Nature Spring, Coca-Cola Bottlers, Wild FM 98.5, Dunkin Donuts Butuan, Dothys Place hotel & resto at Norkis Yamaha.
Ang registrasyon ay magsisimula ng alas-7 ng umaga. Itoy libre kung may dalang isang litro ng Shell Rimula J sa pagpapatala.