Mahigit 250 delegado mula sa National Capital Region (NCR), Southern Tagalog at bahagi ng Central Luzon regions ang magpapartisipa sa three-day event na nagsimula kahapon.
"The enthusiasm has grown since we came up with this componet of the BP-PNYG that focuses on the management and marketing aspect of the program," pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Amparo Weena Lim, who opened the event yesterday morning.
"The focus of these lectures and seminars is to encourage the sports leaders and organizers in the local government units in marketing and managing sporting events," wika nito. "With the purpose of coming up with several small competitions that they could claim they themselves organized."
Dahil hindi laging mapopondohan ng sapat ng pamahalaan ang mga isasagawang kompetisyon, sinabi ni Lim na ang mga lectures at seminars ay makakapagbigay sa mga delegado ng kaalaman para makapag-organisa ng kompetisyon na hindi gaanong magastos.
"One of the objectives is to have as many competitions as possible starting from the barangay to the provincial and regional levels," paliwanag ni Lim.
Ang unang seminars at lectures ay nilahukan ng 350 delegado na ginanap sa Baguio City noong Agosto 28-30. mayroon pang dalawang legs na gaganapin sa September 19-21 sa Bacolod City at sa Oktubre 2-4 sa General Santos City.
Mayroon ding coaching at training seminars ang BP-PNYG na magkakaroon ng ikatlong stage sa December 1-7 sa San Fernando, Pampanga.