Muntik nang makawala ang panalo sa Tigers nang muntik nang pumasok ang buzzer beating na tres ni Mark Jomalesa na sana ay nagsalba sa UP Maroons.
Nauna rito, nalagay sa alanganing sitwasyon ang Uste dahil imbes na umiskor ng easy lay-up si Christian Luanzon ay pinili nitong mag-one-hand dunk at nagmintis.
Inihatid ni Emerson Oreta ang Tigers sa 58-54 kalamangan sa pamamagitan ng kanyang short jumper sa huling 21.6 segundo ng labanan.
Nakalapit ang UP sa 56-58 nang umiskor ng baseline drive si Michael Bravo, 10.9 segundo pa ang oras sa laro bago magmintis sina Luanzon at Jomalesa sa kanilang attempts.
Binuksan ng Maroons ang ikatlong quarter sa pamamagitan ng 12-2 salvo na nagbunga ng 42-31 kalamangan ngunit umiskor si Hubalde ng tatlong sunod na tres kasunod ang triple ni Niño Gelig para sa 19-4 run ng Santo Tomas upang magbalik sa kalamangan, 50-44 matapos ang 30 minutong paglalaro.
Di na nakapaglaro si Alwin Espiritu para sa UST nang ma-sprain ang kanang kamay sa ikalawang quarter at malaking kawalan ito sa Tigers.
Umangat ang Uste sa 5-6 win-loss record habang bumagsak naman ang Maroons sa 3-8 na sanhi ng kanilang pagkakatalsik sa kontensiyon para sa Final Four.
Sa unang laro, tinalo ng UST Tiger Cubs ang UPIS, 72-65 upang pagandahin ang kanilang record sa 8-2 sa juniors division.