Assumption bokya sa UP

Binokya ng University of the Philippines ang Assumption College-B, 3-0 upang umusad sa women’s division kontra sa defending champions College of St. Benilde sa inulan na 2001 Milo All-Students Tennis Championships na ginanap nitong nakaraang linggo sa Rizal Memorial hardcourts.

Blinangka rin ng Ateneo-B ang University of Sto. Tomas-B, 3-0 upang itakda ang kanilang quarterfinal match ng De La Salle University-A, habang makakaharap naman ng ADMU-A ang DLSU-B matapos na itala ang kanilang panalo kontra sa Assumption-A at St. Scholastica College.

Pinatalsik ng University of Asia & Pacific ang PUP-B, 3-0 upang isaayos ang kanilang pakikipaglaban kontra sa powerhouse UST-A sa pangunguna ni dating national junior champ Ziarla Battad sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids.

Show comments