Sa kabila ng kinakaharap na krisis sa ekonomiya, umaasa si Tuason na maaaprubahan ng Kongreso ang kanyang panukalang budget hindi lang para tustusan ang preparasyon ng bansa para sa Asiads kundi upang maipa-ayos na rin ang iba pang nawasak na mga venues sa Rizal Memorial Sports Complex.
Ang nasabing panukalang pondo ay kumakatawan sa 32% ng national budget na P780 bilyon para sa susunod na taon.
"Next year there will be the Asian Games, then of course the other responsibilities that we have to do like the school sports which is mandated by the Oreta Law and repairs to make to the Ninoy Aquino Stadium," pahayag ni Tuason kahapon.
At dahil sa malakas na pag-ulan kamakailan na nagdulot ng malaking pagbaha sa buong parte ng Maynila, lumubog ang electric cables para sa Ninoy Aquino Stadium bukod pa ang pagkasira ng bubungan nito.
"How can you make repairs kung P10,000 to P20,000 lang ang allowed sayo na panggastos," ani pa ni Tuason.
Hindi bababa sa P40 milyon ang gagastusin ng naturang ahensiya para sa 2002 upang maipagpagawa at mamintine ng maayos ang RMSC sa Vito Cruz, Manila bukod pa ang panukalang P13 milyon bilang pambayad sa kuryente at tubig.
"We are hoping that he can help us being a former PSC Commissioner," sabi naman ni Tuason kay Bacolod Rep. Monico Puentevella na siyang tumatayong chairman ng House Committee on Youth and Sports."He knows our problem and Im sure hindi niya kami pababayaan."
Matatandaan na nakakuha ang PSC ng pondong 156 milyon noong nakaraang taon at P103 naman para sa taong ito. (Ulat ni M. Repizo)