Ang kabiguang ito ng Falcons ang kanilang pinakamasamang kampanya sa nakalipas na dalawang taon kung saan huling nanalo noong Agosto 19, 1999, 89-81 kontra sa FEU Tamaraws.
Bumandera sa opensa ng Tigers sina Rene de Guzman at Alwyn Espiritu nang tumapos ng 18 at 21 puntos, ayon sa pagkakasunod upang ihatid ang Espanya-based squad sa ikatlong panalo matapos ang 8 laro.
Matapos ang siyam na ulit na pagpapalitan ng abante sa first quarter, nagsimulang kumawala ang Tigers nang pamunuan nina de Guzman, Niño Gelig at Dondon Villamin ang 16-6 salvo na siyang nagkaloob sa Uste ng 36-26 kalamangan sa huling minuto ng second period.
Pero nagsikap ang Falcons at kanilang naagaw ang trangko sa 51-47 makaraang masupil ng Tigers ang Adam-son sa kanilang pananalasa sa third canto.
Nananatiling malaking banta ang Falcons sa pagbubukas ng final canto nang kumana agad ng limang sunod na puntos para sa 51-47 bentahe, subalit nanamlay ang kanilang opensa at tanging dalawang puntos lamang ang kanilang naikamada sa huling pitong minuto ng sagupaan na dahilan upang humulagpos ang 17-2 bomba na pinasabog ng Tigers sa pangunguna ni Espiritu at agawin ang pangu-nguna sa 64-53, may 1:49 na lamang ang nalalabing oras sa naturang yugto.
At sa juniors division, nagawang makisosyo ng UST Cubs sa Ateneo Eaglets sa pamumuno matapos na igupo ang Adamson Baby Falcons, 70-61.