Bukod sa kanyang limang hits, ipinadama rin ng kaliweteng si Binarao ang kanyang husay sa paghawak ng bat nang kumana ng two-run homerun sa ninth inning para manguna sa Sea Dragons sa anim na sunod na panalo at hawakan ang solong pangunguna sa Group A.
Hindi rin nagpahuli ang Airmen nang kanilang talunin ang UAAP champion Maroons nang bumandera si Ramel Placides na nagbigay ng three-hits sa three-inning at sa two-inning bago prinotektahan ni Ernesto Binarao ang kanilang panalo at hawakan ang pangu-nguna sa Group B sanhi ng 6-0 record.
Kailangan na lamang ng Navy at Air Force na maipanalo ang kanilang dalawang nalalabing laro para ma-sweep ang eliminations at isiguro ang kani-kanilang sarili sa semifinal round.
At sa nag-iisang Triple-A (18-under) side event, kinana ng Tot Baseball Selection ang kanilang ikaanim na panalo matapos ang walong laro kontra sa Rizal High sa pamamagitan ng walk-over.
Bunga nito, nakakaseguro na rin ang Tot Baseball Selection na nakatakdang magpakita ng aksiyon sa unang edition ng Pan Pacific Junior Baseball Championship na nakatakda ngayong buwan sa Subic Bay Freeport dahil sa kanilang pangunguna sa 7-team junior cast ng isang slot sa top four semis round.