Matapos ang dalawang araw na tournament ang Filipino skaters na suportado ng SM, Pepsi, Philippine Airlines at Adidas ay kumubra na ng 9 golds, 14 silvers at 6 bronze medal para sa kabuuang 131.5 puntos at umusad sa ikaanim na puwesto sa likod ng Chile Ice Dublin-Columbus (315), Center Ice-Delmort (212), defending champion Plymouth Ice-Minnesota (163), Ice Zone-Boerdrian (154.5) at Chiler Ice Easton (149).
Patuloy ang pananalasa ng Duksy Shekinah Ciudad, sumungkit ng dalawang gold sa unang araw ng competition nang muling umumit ng gold sa spotlight drama event na siyang kauna-unahang multiple gold madalists ng SM-Philippine Ice skating team na nagtala ng tatlong golds. Bukod sa Ciudad, ang iba pang second gold medal winners ay kinabibilangan nina Katrice delos Reyes (Figure 1), Rhoda San Jose (Freestyle) at Stephanie Sison (Figure 1).
Ang anim na araw ng tournament at humakot ng 127 koponan mula sa Amerika, Japan, Mexico, United Arab Emirates, Malaysia at ng Philippines at ito ay sanctioned ng Ice Skating Institute.