Pinangunahan ng 22-anyos na dating world champion ang kampanya ng RP squad nang ibulsa ang team title.
Pinahanga rin niya ang mga manonood nang agawin ang korona sa open division at ang prestihiyosong shootoff o "Man vs Man event."
Nagpakitang gilas din si Jethro Dionisio nang kanyang banderahan ang kampanya ng Pinoy marksmen nang igupo ang powerhouse USA at Australia.
Itinala ni Lejano ang kanyang best match points na 1359. 4644 sa 24-stage, 10-nation meet na ito. Tinalo niya sina Paolo Sanson at Bryant Yu sa preliminaries at ang local bet na si Joseph Edward Sy sa finals.
"Maganda ang simula ko sa bawat stages. My time na nawawala ang rhythm dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. But everything went on smoothy," ani Lejano, ang 1999 European Cup runner-up.
"Buti naman at hindi nagbago ang putok ko kasi kulang talaga sa ensayo because of the gun ban," dagdag pa ni Lejano na naging miyembro rin ng RP team na nanalo ng gold medal sa 1999 World Shoot XII.
Umagaw rin ng eksena ang nakakatandang kapatid ni Jeufro na si Jerome Morales nang kumana naman ito sa open category nang sungkitin ng dating US Semi Pro champion ang ikalawang puwesto sa inasintang 1335.3112.
Tumapos naman ng ikatlo ang Amerikanong entry na si Simon Racaza, isang Cebuano-based sa USA nang umasinta ito ng 1242.3635, sumunod si Sy na mayroong 1228.2494 bago sinundan ni Stephen Hinojales na may 1207.4905.
At gaya ng inaasahan, dinomina ng world champion Athena Lee ang womens side sa kanyang 1120.1065 puntos, habang si Mary Grace Tan ang pumangalawa na may 1085.3256 match points.
Si Jay Agayan III ang nanalo sa standard division, si Daniel Torrevillas naman ang nanguna sa modified class, sinungkit ni Nelson Uygongco ang modified division, habang si Philip Chua ang nahirang na top revolver shooter.