MBA First Phase; Blades humigpit ang kapit

CABANATUAN CITY -- Higit pang napalakas ng Batangas ang kanilang kapit sa solong liderato matapos na gisahin ang Socsargen Marlins, 103-86 sa first phase ng MBA na ginanap sa Araullo Centrum dito kahapon.

Pinagtulungang dalhin nina Romel Adducul at Ralph Rivera ang opensa ng Blades upang itakas ang ika-anim na sunod na panalo at ikasiyam sa kabuuan matapos ang 11 laro.

Humakot si Adducul ng 20 puntos habang nagdagdag naman si Rivera ng 17 upang tuluyan ng idiskaril ang pag-asa ng Marlins na manatiling buhay ang kanilang gahiblang tsansa sa five-team playoff.

Show comments