"Thats what were aiming for in Kuala Lumpur. Of course, it wont be easy but were not sleeping on our jobs," ani Amateur Boxing Association of the Philippines president Manny Lopez kahapon nang maging panauhin ito sa PSA Forum kahapon sa Holiday Inn Hotel.
Nagpahayag si Lopez ng optimistiko na ang mga Filipino boxers ay hasa sa training at nasa mataas na kundisyon at maganda ang kanilang maipapakita sa biennial meet at mababawi ang korona na kanilang huling hinawakan noong 1993.
Inihayag din ni Lopez ang komposisyon ng koponan na tatampukan ng 11 boksingero na lumahok sa ibat ibang division maliban lamang sa heavyweight class.
Itoy sina Juanito Magliquian (45 kg.), Harry Tanamor (48), Violito Payla (51), Arlan Lerio (54), Ramil Zambales (57), Larry Semillano (60), Romeo Brin (63.5), Reynaldo Galido (67), Junie Tizon (71), Maximino Tabangcora III (75) at Maraon Goles (81).
Itinalagang alternates sina Lhyven Salazar (48 kg.), Rene Villaluz at Sonny Dollente (51), Fredie Gamu at Rico Moreno (54), Roel Laguna (57), Joel Barriga at Anthony Igusquiza (60) at Mario Tizon (75).
Tatayong head coach sina Gregorio Caliwan na aasistihan nina Nolito Velasco, Pat Gaspi at Glicero Caliwan. Inaasahang sasama si dating Manila Mayor at ABAP president Mel Lopez sa koponan sa Malaysia.
Inaasahang magdadala sa kampanya ng bansa ay sina Lerio, Semillano at Brin, pawang mga beterano ng 2000 Sydney Olympics. Ang iba pang Pinoy boxers na lumahok sa Sydney ay sina Danilo Lerio, na hindi magpapakita ng aksiyon sa Kuala Lumpur matapos na mamahinga pansamantala sa boxing.
Sinabi pa ni Lopez na ang limang golds na maipapanalo ng bansa mula sa nakatayang 12 ay sapat na para makuha ng koponan ang overall crown.
Nakuntento lamang ang RP boxing, na nanalo ng overall crown noong 1991 Manila SEA Games sa dalawang golds sa nakaraang Brunei mula kina Magliquian at Brin.