Ang panalong ito, ikalawang sunod ng Blazers ang naghatid sa kanila sa pakikisosyo sa solong liderato sa Jose Rizal University, nalasap naman ng Red Lions ang kanilang unang talo matapos ang dalawang laban.
Hindi naging hadlang sa Taft-based dribblers ang pagkakatalsik ng kanilang guro na si Dong Vergeire matapos na matawagan ng dalawang sunod na technical foul may 9:28 ang nalalabing oras sa second quarter para masupil ang tangkang rally ng Mendiola-cagers kung saan nahatak nila ang laro sa extra limang minuto matapos na gumana ang eksplosibong opensa nina Mark Magsumbol at Sunday Salvacion.
Humakot si Salvacion ng 32 puntos at 10 rebounds, habang nagposte naman si Jon Dan Salvador ng 19 puntos, bukod pa ang 14 rebounds na sinuportahan ng triple double ni Alexander Magpayo nang kumana ng 10 puntos at 10 rebounds at assists upang pamunuan ang Blazers sa panalo.
Isang split shot ni Estilitus Mendoza mula sa foul ni Alfred Casio sa huling 30 segundo ng regulation ang dahilan ng overtime kung saan pumaltos ang desperadong tres ni Casio sa huling 11 segundo ng labanan.
Dinuplika naman ng Greenhills Blazers ang panalo ng kanilang senior counterpart nang igupo ang Red Cubs, 66-63. (Ulat ni Maribeth Repizo)