Pinagbidahan ni Mark Jomalesa ang panalong ito matapos kumana sa ikaapat na quarter upang pigilan ang tangkang pagbangon ng Adamson Falcons.
Matapos malimitahan sa 0-of-4 three point shooting, umiskor si Jo-malesa ng tatlong tres para sa 11-2 produksiyon upang iselyo ang tagumpay.
Nagawang ibaba ng Adamson ang 15-puntos na kalamangan ng State U sa pagtutulungan ng mga rookies, ngunit nagpamalas ng betera-nong laro sina Mark Abadia at Ramil Tagupa at makalapit sa 58-61.
Subalit sumagot si Jomalesa ng dalawang sunod na tres para ilayo ang iskor sa 67-60 kalamangan, 58.5 segundo ang nalalabing oras sa laro at di na umiskor pa ang Falcons.
Pinangunahan ni Mike Bravo ang State U sa paghakot ng 20 puntos habang nanguna naman si Abadia sa Adamson sa kanyang tinapos na 24 puntos.
Naging matagumpay ang pambungad na seremonya na inihanda ng host Far Eastern University ngunit nagkaroon ng isang aksidente ng isang cheer leader na si Mark Nacional na tinamaan sa leeg sa halftime show ng Adamson. (Ulat ni Carmela Ochoa)