Ibang Warriors ang sasabak ngayon sa UAAP

Lagi na lang sinasabi na ang University of the East ay isa sa mga darkhorses at tuwing nakakarating ng Final Four ang Warriors ay bumabagsak lamang ito.

Ibang pagtatapos ang nais ng bagong coach ng UE na si Boysie Zamar. "I think it’s just a question of my players’ attitude which I hope I have addressed this year. It’s up to them if they want to remain as darkhorse it take it to the next level," pahayag ni Zamar na may simpleng pangarap lamang sa ika-64th season ng UAAP na magbubukas sa Hulyo 14 sa Araneta Coliseum.

"Our goal is just to make it to the Final Four. Whatever comes after that will be just a bonus for us," ani Zamar.

Tila may kalabuan ang hangad ng Warriors na maibsan ang 16-taong pagkauhaw sa titulo dahil sa pagkawala ng tatlong players at posible pang maging apat.

Tapos na ang serbisyo ni Aldwin Manubag noong nakaraang taon. Nasibak naman sa team si Jamil Shular bilang diciplinary action, wala na rin ang sentrong si Liban Ali habang kinukuwestiyon naman ang eligibility ni James Yap dahil natuklasang naglaro ito sa Filipino-Chinese League noong nakaraang taon.

Ang kaso ni Yap gayundin ang iba pang eligbility issues ay dedesisyunan ng UAAP Board sa linggong ito.

"Mga 15-points din ang mawawala sa amin pagnawa-la si James," wika pa ni Zamar. "Pero pinaghahandaan na namin ang posibility na hindi siya makakalaro. Besides, if we were in place of the other teams, I’d also push for his being ineligible to play if he really committed a mistake and the guy is a good player."

May alituntunin ang liga na pahihintulutan lamang ang mga players na maglaro sa mga commercial league pagkatapos maglaro ng dalawang season sa UAAP.

Sa likod ng mga problemang ito ay hindi nababahala si Zamar.

"I have never approached a game relying on one, two or three players. Basketball is still, for me, a team effort," pali-wanag nito.

Malakas ang backcourt ngayon ng UE at ito ang gagamiting sandata ni Zamar sa tulong nina Paul Artadi, Adrian Ronquillo, Arnold Booker, Paolo Hubalde at Allan Omiping na magsasalisalitan sa 1-2 spots.

Kinuha ni Zamar si Philip Butel ngunit hindi pa inaasahan ng UE coach na hahataw na agad ito."The guy is still very raw."

Magbabantay sa shaded lane ang sentrong si Jayson Altamirano at power forward Jay-Arr Estrada na may karanasan sa PBL gayundin si Artadi kaya’t ito’y dagdag na tulong sa UE.

Show comments