Gumamit lamang ng tatlong pitchers sa kanilang panalo ang kasalukuyang UAAP baseball champion Maroons nang kanilang bombahin ang Tigers sa 10 hits na tinampukan ng tatlong hit, apat na run sa third inning upang biguin ang coaching debut ng one-time PSA baseball player of the year Jeffrey Santiago.
Sinikap ng UST na umahon sa final canto, ngunit napagretiro ni Joey Carillo, pumalit kay Niño Tater ang huling dalawang batters na kanyang nakaharap matapos na ma-ipreserba ang dalawang runs na siyang nagkaloob ng panalo sa UP.