Ang naturang draw ay sinaksihan ng mahigit sa 50 sportswriters at photographers mula sa China’s national at local newspapers at kinatawan ng iba’t ibang wire agencies.
Limitado lamang ang Draw/Press Conference na inorga-nisa ng ABC promotions sa kooperasyon ng Asian Basketball Confederation at ng China Basketball Association na isinagawa ni ABC Secretary General Dato Yeoh Choo Hock.
Ibinase ang 16 na koponan sa resulta ng kanilang pag-lahok sa nakaraang championship na ginanap sa Fukuo-ka, Japan mula Agosto 28 hanggang Setyembre 5, 1999 ay inilagay sa kani-kanilang grupo gaya ng sumusunod.
Bukod sa China kasama rin ng Philippines sa Group A ang Hongkong at Middle Asia 2, nasa Group B ang Korea, UAE, Thailand at DPR Korea, nasa Group C ang Saudi Arabia, Kuwait, West Asia 2 at West Asia 1, habang ang Group D ay bubuuin ng Chinese Taipei, Japan, Qatar at Middle Asia 1.
Ang magiging finalists sa championship na ito ang siyang magku-qualify sa 14th World Basketball Championship na gaganapin sa susunod na taon sa Indianapolis, Indiana, USA.