Makaraang ipuwersa ang deciding game na ito sa pamamagitan ng 90-85 panalo, tinapos ng Freezer Kings ang best-of-three series sa 2-1 panalo-talo,
Umahon ang Ana mula sa 16-point deficit at magiting na nakipaglaban sa huling maiinit na oras ng labanan sa pangunguna nina Ronald Pascual at Robin Mendoza na umiskor ng 24 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Nasa panganib pa ang Ana Freezer Kings nang makalapit ang Soap Experts nang umiskor ng basket si Edwin Bacani at na-split lamang ni Paul Artadi ang kanyang free throws mula sa foul ni Egay Billiones para sa 96-93 kalamangan ng Ana, 17.7 segundo ang oras ng laro.
Ngunit pumaltos naman ang tres ni Bacani at bagamat napanatili ang bola sa panig ng Soap Experts nang makuha ito ni Marlon Legaspi, gayunpaman ay nakawala ito sa kanyang mga kamay sanhi ng turnover.
Naiselyo ng Ana ang panalo nang umiskor ng split shot si Mendoza mula sa quick foul ni Bacani.
Ito ang kauna-unahang tropeo ni team ow-ner Rudy Mendoza bilang coach at itoy ibinabahagi sa kanyang adviser na si Mang Peping Santos na kanyang naging gabay.
Nasayang ang 32-16 puhunan ng Giv gayundin ang eksplosibong performance nina Billiones at Bacani na may 32 at 22 puntos, ayon sa pagkaka-sunod sanhi ng kanilang pagkatalo.
"Masaya na rin ako at ang mga bata. Maganda na ang tinapos naming ito sa kabila na wala pang lehitimong coach na gumagabay sa koponan," pahayag ni Mendoza.
"Sana simula na ito at sa susunod na conference, mas maganda pang improvement."
Pinangunahan ni Pascual ang Ana Freezers sa kanyang tinapos na 24 puntos kung saan nakakuha rin siya ng suporta mula kina R. Mendoza (17), Tubid (13), D. Mendoza (12) at Capuz (11) na pawang tumapos ng double-digits.