At bunga ng extension na ito, gagamitin sa ruta ng karera ang ruta ng PAL Manila International Marathon kung saan ang mga runners ay tatahak sa mga siyudad ng Manila, Pasay, Parañaque, Makati, Mandaluyong at San Juan, na dadaan naman sa kahabaan ng Roxas Blvd., Buendia, EDSA, Ortigas at babalik sa starting line sa PICC.
Siniguro ni national race organizer Rudy Biscocho na magkakaroon ng buong suporta ang karera mula sa police at traffic agencies gaya ng Metro Manila Development Authority, PNP Traffic Management Group, ng Western, Southern at Eastern Police Districts at ng PEATC Traffic & Safety at ito ay magsisimula sa ganap na alas-4:30 ng umaga.
Inaabisuhan din ng organizers ang mga motorista na tumahak sa alternatibong daan upang makaiwas sa traffic sa mga apektadong areas. Inihayag din na ang June 24 Milo Marathon race ay hindi na finishers marathon, na karamihan sa mga dadaanan ng karera ay libre sa runners ng mas maaga at ang mga nalalabi na nasa daan pa matapos ang itinakdang limang oras o bago sumapit ng alas-9:30 ng umaga, sila ay isasakay na lamang patungong finish line.
Ang karerang ito ay itinataguyod din ng Adidas, Philippine National Red Cross at Sports Medicine Ass. of the Phils.