Milo Checkmate sisimulan na

Pormal na magbubukas ang ikaapat na serye ng Milo Checkmate Saturday-only clinic bukas sa dalawang lugar: Badminton Bldg., Rizal Memorial Sports Complex (RMSC), Vito Cruz Manila at sa 2/F Center Mall, Greenhills Shopping Center (GSC) sa San Juan.

Ito ay bukas para sa mga kabataan na may edad 5-18 na tatakbo ng pitong sunod na Sabado at dalawang tournaments sa pamamagitan ng level at age group. Magsisimula ang pag-aaral sa RMSC simula sa alas-7:30-11:30 ng umaga, habang sa GSC--mula ala-1:30-5:30 p.m. Kabilang sa mga kursong iniaalok ay ang preparatory, beginners, intermediate at advance.

Papalawigin pa ang patalaan para sa mga huling magpapalista hanggang sa susunod na Sabado, Hunyo 23. Para sa iba pang detalye, tumawag sa organizing MCC sa 8268560.

Show comments