Sisimulan ng TJ Hotdogs at Realtors ang aksiyon sa PhilSports Arena sa ganap na alas-5:15 ng hapon at isusu-nod naman ang engkuwentro ng Red Bull Thunder at Gin Kings sa dakong alas-7:30 ng gabi.
Ang tagumpay ng Red Bull, Sta. Lucia at Ginebra ay magbibigay sa kanila ng karapatang makisosyo sa kasalukuyang nagsosolo sa ikalawang puwesto na defending champion San Miguel Beer sa likod ng leader na Alaska Aces na may 3-0 kartada.
Kabilang ang Thunder, Realtors at Gin Kings sa 5-way logjam sa 1-1 panalo-talo karta kasama ang Tanduay Gold Rhum at Mobiline Phone Pals kasunod ang Shell Velocity at Pop Cola na tabla sa 1-2 karta.
Bunga ng paralisadong lineup, nalasap ng Purefoods ang dalawang sunod na talo na naglagay sa kanila sa kulelat na posisyon.
Sa unang dalawang laro ng TJ Hotdogs ay di nakapaglaro sina 7-footer E.J. Feihl at ang 69 na si Andy Seigle dahil sa kani-kanilang injury sa paa.
Ngunit sa pagbabalik ngayon ni Feihl, inaasahang malaking karagdagan tulong ito para kay import David Wood.
Ayon kay coach Eric Altamirano, malaking kawalan ang di naasahang serbisyo nina Feihl at Seigle dahil kulang sa height ang kanilang koponan.
Babawi naman si import Ansu Sesay sa kanyang mahinang performance upang makalimot ang Realtors sa 76-83 pagkatalo sa Rhummasters noong nakaraang Biyernes.
Parehong galing ang Ginebra at Red Bull sa panalo at ito ang inaasa-hang magiging inspiras-yon ng bawat isa. (Ulat ni Carmela Ochoa)