Nagtulong-tulong sina Lito Saygo, Theody Habelito, Cezar Rivera at Marphil Limbo na pare-parehong tumapos ng double digits upang isulong ang Paint Masters sa tagum-pay.
Buhat sa 53-48 kalamangan ng MLQU, pinalaki ng Boysen ang kanilang agwat sa 12 puntos nang pangunahan ni Danilo Conmigo ang 8-1 produksiyon para sa kanilang 61-49 bentahe, 1:36 na lamang ang nalalabing oras sa labanan.
Bunga nito, nagkasya lamang ang Maroons sa pagi-ging runner-up habang napasakamay naman ng University of Assumption-Goldilocks ang konsolasyong third place matapos ang 91-76 panalo laban sa Regent sa unang laro.
Samanta, sa PBL Showcase, tinanghal na bagong slam dunk king si Manuel Caseres nang umiskor ito ng perfect 80 points, habang inagaw naman ni Michael Bravo ng UP-Waterfront ang long distance shootout title mula kay Renren Ritualo ng Welcoat.