Milo checkmate sisimulan na

Maglalaro ang kasalukuyang national junior champion National Master John Paul Gomez ng dalawang sunod-sunod na exhibition matches ngayon sa pagbubukas ng ikaapat na serye ng Milo Checkmate Saturday-clinic sa dalawang lugar.

Hawak ng 15-anyos na si Gomez, isa sa bagong graduates ng Milo Checkmate ang title record bilang pinakabatang naging junior champion ng bansa sa edad na 13.

Idaraos ni Gomez ang kanyang unang laban simula sa alas-9:30 ng umaga kontra sa maagang enrollees ng clinic sa Badminton Bldg., Rizal Memorial Sports Complex, Vito Cruz, Manila. Ang ikalawa ay gaganapin naman sa alas-3 ng hapon sa 2/F Center Mall, Greenhills Shopping Center. Ang naturang clinic ay bukas para sa lahat ng may edad 5-18. Inaabisuhan ang mga enrollees na dumating ng bandang alas-7:30 sa RMSC at 1:30 sa GSC. Bukas ang patalaan hanggang Hunyo 16. Para sa iba pang detalye tumawag lamang sa organizing Metropolitan Chess Club sa 8268560.

Show comments