Itinala ng 19-anyos na ipinagmamalaki ng Zamboanga at nag-iisang survivor ng four-man Philippine team ang kanyang ikalawang sunod na panalo nang itigil ng referee ang laban kontra kay Canadians Sebastian Gauthier sa third round nang hawakan niya ang 19-4 bentahe.
Bunga nito, muling aakyat si Tanamor, nasa kanyang ikalawang international stint sa national squad sa mas mataas na baytang kung saan makakaharap niya ang Romanian na si Marian Velicu na nagposte naman ng 22-20 panalo kontra sa Irelands na si John Paul Kinsella sa semifinals sa Biyernes (Sabado ng umaga sa Manila).
Gamit ang peek-a-boo defense, sinimulan ni Tanamor na atakihin ang kalaban sa kaagahan ng unang round at natapos ito sa 6-2 iskor pabor sa Pinoy pug.
Itinulak ni Tanamor ang Canadian patungo sa center ring kung saan nahuli niya si Gauthier at binigyan ng solidong kanan sa baba para sa standing eight count.
Mula dito, naging palabas ni Tanamor ang laban at dominado ang Canadian dahilan upang itigil na ng referee ang laban pagsapit ng third round sa 19-4 iskor.
Base sa rules ng Amateur boxing, kapag ang kalaban ay nagtamo na ng hindi bababa sa 15 puntos na pagkakalubog sa anumang round, idedeklara itong talo sa pamamagitan ng referee stopped contest-outclassed.
Ang iba pang semifinalists sa lower part ng draw ay sina Cuban Yan Barteleny at American Ronald Siler.
"Andiyan na po ang medalya pero hindi pa tapos ang laban. Dapat pang magsumikap para mas maganda ang maiuwi natin," pahayag naman ni Tanamor, ang ikaapat na miyembro ng RP squad na ipinadala rito ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Adidas Philippines bilang parte ng preparasyon ng kopo-nan sa nalalapit na Southeast Asian Games.