Binugbog ng 19-anyos na si Tanamor, nasa kanyang ikalawang international stint bilang miyembro ng national squad ang South Korean na si Lee Kyung Yeh mula sa umpisa ng kanilang light flyweight bout at ang labang ito ay kinailangang itigil ng referee 30 segundo bago matapos ang second round nang humakot na agad ang Pinoy pug ng 17-5 kalamangan.
At ang naging hatol ng referee ay RSCO--referee stopped contest-outclassed.
Ang panalo ay nagdala kay Tanamor, ipinagmamalaki ng Zamboanga sa medal bout kontra Canadian Gauthor Sebastian sa Huwebes (Biyernes ng umaga sa Manila). Ang mananalo sa labang ito ay makakasiguro na sa bronze medal.
"Hopefully, Tanamor , who is feeling very well, could sustain the momentum of this big victory," dagdag pa ni Lopez.
Ang panalo ni Tanamor ay dumating makaraan ang tatlong iba pang miyembro ng koponan na ipinadala rito ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Adidas bilang preparasyon sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Malaysia ang tumabon sa kanilang pagkatalo noong Miyerkules.
Nabigo sina Payla at bantamweight Arlan Lerio sa second round fight, habang bumagsak naman si Anthony Igusquiza sa Olympian na si George Lungu ng Romania sa lightweight division.
"Laban lang sir. Ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya para makapag-uwi tayo ng medalya," pahayag ni Tanamor.
Tangka ng Philippines na makuha ang kauna-unahang gold medal sa biennial tournament na ito na ikalawa sa Olympics.
Ang magandang tinapos na bansa sa event na ito ay ang silver medal na napagwagian ni Roel Velasco noong 1997 sa Budapest, Hungary.