Simula pa lang sa unang canto ay kapwa naglabas na ng mahigpit na laban ang dalawang koponan kung saan nagtala ng 12 puntos na kala-mangan ang Cake Experts, 28-16 na agad din namang binawi ng Oilers sa pagbubukas ng second quarter nang gumawa ito ng 20-5 atake upang itala ang 3 puntos na lamang, 36-33.
Subalit naiselyo ng Cake Experts ang kanilang pangunguna sa magkasunod na basket sa pagsasara ng naturang quarter.
At sa third canto, higit pang nag-init ang mga kamay ng Cake Experts nang kanilang palobohin ang kalamangan sa 56-48 sa pangunguna ni Welihado Duyag na nagtala ng 18 puntos at 11 rebounds. (Ulat ni Carol Fonceca)