Boysen-MLQU muling namayagpag

Namayagpag muli ang defending champion Boysen-MLQU matapos maungusan ang University of Assumption-Goldilocks, 89-75 kahapon sa pagpapatuloy ng quarterfinal round ng 1st Crystal Spring-PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.

Muntik na sanang maungusan ng Assumption-Goldilocks ang kalaban nang magpasabog ito ng 12-3 bomba upang umabante sa 75-78 ngunit nanatili ang tikas ng Paintboys na pinamunuan ni Edelito Saygo na tumapos ng 31-puntos katulong si Rodrigo Medenilla na may 16.

Sa iba pang laro, umangat ang Spring Cooking Oil sa 5-5 record matapos ang 107-83 panalo kontra sa Gringo-Konica Express.

Bumagsak ang Assumption Goldilocks sa 5-5 karta at nangangailangan itong maitumba ang Group B top notcher Spring Cooking Oil upang masiguro ang huling slot sa semifinals.(Ulat ni Carol Fonceca)

Show comments