Welcoat vs Ana Freezers mag-aagawan sa no. 2 slot

Magsasagupa ngayon ang defending champion Welcoat Paints at Ana Freezers sa no. 2 spot sa Group A patungo sa semifinal round sa pagtatapos ng quarter-finals ngayon ng PBL Chairman's Cup sa Makati Coliseum.

Tila magiging preview ito ng semifinals match sa pagitan ng Paint Masters at Freezer Kings at ang mananalo sa alas-5:30 ng hapong duwelong ito ay magkakaroon ng twice-to-beat incentive.

Importante rin ang panalo para sa Hapee Toothpaste kontra sa Osaka Iridologists sa alas-3:30 ng hapon.

Kung magtatagumpay ang Teeth Sparklers na kukumpleto ng sweep ng kani-lang elimination matches, ay mabibiyayaan ito ng karapatang harapin sa playoff ang PharmaQuick na no. 1 sa Group B.

Ang maghahari sa Group B ay sasagupa naman sa no. 4 team ng Group A na Giv Beauty Soap sa sudden death playoff para sa ikaapat at huling semis slot.

Hangad ng Welcoat na maulit ang kanilang 75-66 pamamayani kontra sa Freezer Kings noong May 12.

Nasa semis na ang Shark Energy Drinks (9-2) na may twice-to-beat advantage na, gayundin ang Paint Masters at Ana na tabla sa 7-3 panalo-talo.

Ang Drug Experts ay may 7-5 record sa Group B kasunod ang Hapee na may 6-5 kartada.

Show comments