De Leon bagong skating senasation

Naungusan ng bagong skating sensation na si Paulo de Leon si Jaylar Zalamea sa kanilang mahigpitang laban para sa Highest Pointer award sa male division-freestyle category, habang ipinagpatuloy naman ng bemedalled na si Susie Quibol ang kanyang pananalasa sa distaff side sa pagtatapos ng SM ISI-Asia Summerskates 2001 competition noong Huwebes sa SM Megamall Ice Skating Rink sa Mandaluyong City.

Hiniya ng 17-anyos na si de Leon si Zalamea sa point scoring na 56-52 kung saan napagwagian ang Freestyle 8 skater ang kauna-unahang major skating award sa pamamagitan ng 15 ginto at apat na pilak.

Sa kabila nito, itinakas naman ng Freestyle 6 skater na si Quibol ang kanyang 51 puntos para sa kanyang 14 ginto, 6 pilak upang patunayan ang kanyang pagiging top female freestyle skater ng bansa.

Ang iba pang nagwagi ay sina Shawn Lim at Chavit Tsai na nakisosoyo sa Highest Pointer award sa Male Basic level, Francesca Recasata para sa Highest Pointer award sa Female Basic level, Nicole Tan at John Ross Solanzo (Most Promising Skater) at Adelle Feliciano (Most Artistic Skater).

Ang dalawang araw na event ay sanctioned ng Ice Skating Institute-Asia (ISI-Asia) na kinikilala ng Ice Skating Union of the Philippines (ISUP) at hatid ng Chapstick, Greenwich at Milo.

Show comments